Bikers ban sa NCT road ayon sa SBMA

Ipinagbabawal ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na daanan ng mga nagbibiseklita ang New Container Terminal road na ginagamit ng mga cargo trucks.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, ang anunsyo ay inilabas kasunod ng konsultasyon sa mga cycling groups at bumuo ng guidelines para sa pagbibiseklita sa SBFZ.

Dagdag pa ni Eisma, bagamat paborito ng mga biker ang lugar dahil sa magandang kalsada at tanawin dito pero kinailangang magkaroon ng patakaraan para na rin maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.

Matatandaan na ang CT road na nasa northeast ng Subic Bay Airport ay isinara na sa mga bikers mula pa noong June 19 matapos ang pangyayari ng iligal na karera kung saan may labing-apat na taong gulang na na-injured.

Samantala, sinumang lalabag sa patakarang ito ay pagmumultahin ng 2,000 pesos.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *