Bilang naman ng mga Pilipinong walang trabaho, nadagdagan pa

Mas dumami pa ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho kasabay ng pagbaba ng active workforce noong Disyembre.

Ayon sa naging resulta ng December 2022 Labor Force Survey, napag-alaman na 2.22 million ang unemployed persons, edad 15 pataas sa naturang buwan – ito ay katumbas ng 4.3% unemployment rate.

Ito ay mas mataas sa 2.18 million unemployed na mga Pilipino noong Nobyembre kung saan umabot sa 4.2 ang unemployment rate sa bansa, ngunit mas mababa naman sa 3.28 million jobless Filipinos noong Disyembre ng taong 2021.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, mabilis na nilang ginagawa ang mga hakbang upang masiguro na mapananatili ang trabaho at magkakaroon ng bagong employment sa mga Pilipino.

Nagge-generate na umano sila ng mas marami at high-quality jobs sa sektor ng agrikultura, kasabay ng pagtitiyak ng food security sa bansa.

Sa kabila niyan, bumaba naman ang bilang ng mga underemployed Filipinos sa 12.6%.

Katumbas ito ng 6.2 million na mga Pilipinong naghahanap ng mas maraming trabaho, o oras ng pagta-trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *