Bilang ng baboy na kinakatay sa Naga City District Abattoir, dumarami

NAGA CITY –Dumadami ang baboy na kinakatay sa Naga City District Abattoir.

Umaabot ng 190 piraso ang nakakatay araw-araw, ibig sabihin sapat ang supply ng karneng baboy sa lungsod.

Ito ay ayon kay Dr. Junius Elad, City Veterinarian base sa ulat ng slaughter house.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ramon Florendo, Market Superintendent ng Naga City People’s Mall, sinabi nitong wala pa namang naging pagbabago sa presyohan sa karneng baboy, katunayan bumaba nga sa P10.00-P20.00 ang bawat kilo ngayong pagpasok ng buwan ng Mayo.

Sa frozen; ang kasim at liempo P210.00 ang bawat kilo, P280.00 ang laman at ribs P230.00 kada kilo. Sa fresh, P340.00 ang liempo at P330.00 naman ang kasim.

Ayon pa sa opisyal, walang dapat na ipangamba ang mga negosyante ng baboy maging ang mga mamimili, agad naman nilang ipapa-alam kung sakali mang tataas o tumaas ang presyohan ng karneng baboy sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *