LEGAZPI CITY β Pumalo na sa 36 ang bilang ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa buong rehiyon ng Bicol ang napadalhan ng show cause order ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito ang kinumpirma ni COMELEC Bicol Regional Director Ma. Juana Valeza sa Brigada News FM Legazpi.
Aniya, ito ang kanilang datos mula pa noong araw ng Sabado, at kasalukuyan pa nilang bineberipika kasama ng task force ng komisyon kung saan nanggagaling ang show cause order.
Sa tanggapan nila, 4 lang kasi ang naissuehan nila subalit noong Sabado ay sinabihan sila ng task force chairman na umabot na ito sa 36.
Ayon kay Valeza, inaasahan ang tugon mula sa mga kandidatong ito sa loob ng tatlong araw makalipas ang 24 oras pagkatapos ma-issue ang show cause order.
Gayunpaman, kapag nakita nilang may basehan ang show cause order, maghahain na sila ng karampatang aksyon o disqualification case laban sakanila para sa election offense.