Bilang ng Chinese military plane incursions sa Taiwan, umabot sa 39

Ibinunyag ng Ministry of National Defense ng Taiwan na pinasok ng 39 na Chinese military planes ang air defense identification zone ng naturang isla noong Sabado.

Maituturing na ito bilang pinakamataas na one-day record mula nang unang beses isiwalat ng self-governed island ang figures para rito

Inihayag ng Taiwan na pumasok sa southwestern na bahagi ng zone ang 20 Chinese military aicraft noong umaga ng Sabado, na sinundan naman ng 19 noong kinagabihan ng nasabing araw.

Unang beses na naitala ang pagpasok ng 38 military planes sa teritoryo ng Taiwan noong Biyernes.

Binatikos naman ni Taiwan Premier Su Tseng-chang ang China dahil sa mga ginagawa nitong panghihimasok na ayon sa kaniya ay nakakapinsala sa regional peace.

Samantala, base sa ilang ulat ay sinabi ni U.S. Deputy Defense Secretary Kathleen Hicks na maiging binabantayan ng Pentagon ang sitwasyon sa rehiyon araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *