Bilang ng COVID-19 cases sa Naga City sa loob ng isang linggo umabot ng mahigit 600

NAGA CITY – Nasa mahigit 600 mga individual ang naitalang positibo sa Corona Virus Disease sa Naga City noong nakaraang linggo na kung saan ang pinakamataas ay ng araw ng Huebes na umabot sa 111, batay sa arawang  record na inilalabas ng City Health Emergency Response Task Force.

Sinundan naman ito ng araw na Sabado na 104 na kaso samantalang parehong 92 sa araw ng Martes at ng Biyernes. Pinakababa noong Lunes na 33 lamang at Martes 81.

Nasa 351 ang fully vaccinated at ang nakaranas ng mild symptoms.

Mayoriya din na mga may sakit ay mga empleyado, pribado man o pang gobyerno, mga bata at mga matatanda na ngayon ay naka isolate na, ang ilan ay nasa bahay habangang iba ay nasa pasilidad ng lungsod.

Ang pamilya naman nila ay naka house lockdown narin na agad namang binigyan ng ayuda ng City government partikular na ng City Social Welfare and Development Office.

Sa kabila ng ganitong bilang sa lungsod, patuloy pa ring ginagawa ang vaccination program sa 1st and 2nd dose at para naman sa booster shot.

Tulad ng dati, kailangan lamang na mag rehistro online para appointment.       

Para sa ilang mga residente marami ang may sintomas dahil sa lamig ng panahon ang iba umano ay trangkaso lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *