Bilang ng fully-vaccinated kontra COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 17 milyon

Kinumpirma ni Malacanang spokesman Harry Roque na umabot na sa 17 milyon ang bilang ng fully-vaccinated individuals sa bansa.

Ayon sa Kalihim, 17,078,676 na indibidwal na ang nakakompleto ng kanilang bakuna kontra COVID-19.

Sa kasalukuyan, nasa 39.1 milyong COVID-19 vaccines na ang naiturok sa bansa kung saan 22 milyon rito ay para sa paunang bakuna.

Samantala, target ng gobyerno na makapagbakuna ng 70 milyong Pilipino bago matapos ang taon upang makamit ang herd immunity at ligtas na mabuksan muli ang ekonomiya ng bansa.

Pinag-aaralan na rin ng mga otoridad ang pagbabakuna ngayong Oktubre sa general adult population ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang pagbabakuna ng booster shots sa mga health workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *