Bilang ng mga aplikante sa Socialized Housing Program sa Naga City bumaba matapos na dumaan sa masusing evaluation

NAGA CITY –Wala pa ring puwedeng mag apply sa Socialized Housing Program sa Naga City dahil sa epektibo pa rin ang pagpatupad sa moratorium nito hanggang ngayon.

Umabot sa mahigit limang libo ang mga nag-apply subalit dahil sa masusi at mahigpit na evaluation na ginawa ng Housing, Settlement and Development Office at ng Committee on Housing and Settlements sa konseho na chairman itong si City Councilor Jess Albeus, bumaba na lamang ito ng sobra sa isang libong aplikante.

Paliwanag ng konsehal sa Brigada News FM Naga, karamihan sa mga nawala sa talaan ng mga aplikante ay hindi na nakatira sa lungsod, bumuti na rin ang buhay at habang ang iba ay pumanaw na.

Sa bilang na ito, sinabi ng konsehal na mas magiging madali na at magaan ang magiging proseso sa mga aplikante sa pagkakaroon ng sariling lote at bahay na ngayon ay ginagawa ng City Government.

Nakakatiyak si Albeus na maibibigay ng City Government sa mga ito ang pangarap nilang sariling bahay, bago pa man magtapos ang kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *