Bilang ng mga baboy na isinailalim sa culling sa So.Cot dahil sa ASF, higit 9000 na

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 9,000 na mga baboy ang isinailalim sa depopulation o culling sa lalawigan ng South Cotabato dahil sa African Swine Fever o ASF. Ito ay mula sa mga backyard hog raisers at commercial farms na sakop ng 500-meter radius ng index case..

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na ito ay may kabuuang halaga na P 10 million.

Nananatili sa red zone sa ASF ang bayan ng Surallah at Banga at nasa pink zone naman ang Sto.Niño, Norala, Lake Sebu, T’Boli, Tantangan, Tupi at Koronadal City.

Nilinaw naman ni Bigot na ang nangyaring culling ng mahigit sa 100 mga baboy sa bayan ng Norala ay dahil sa incursion case ng ASF at hindi pa outbreak dahil ang Department of Agriculture lamang umano ang makakadeklara nito.

Ayon sa opisyal na mga ipinasok na infected na karne ng baboy o pork products ang isa sa tinitingnang rason ng pagkakaroon ng ASF sa naturang lugar.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Bigot sa lahat na makigpatulungan sa pagsugpo sa ASF at iwasan ang pagpapasok ng mga baboy at pork products mula sa mga ASF infected areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *