Bilang ng mga batang nagpapabakuna  sa Naga City mas dumami ngayong  tag-init

NAGA CITY –Epektibo ang sistema ng City Government sa pagpapatupad ng Chikiting Ligtas Vaccination Activity na itinakda sa bawat barangay dahil sa mas dumami ang mga batang pinapabakunahan ng kani-kanilang mga magulang.

Bukod pa ito sa venue nila sa SM City Naga na araw-araw ding ginagawa.

Ito ang lumabas sa inisyal na assessment ng City Health Office mula ng simulan ang mga bakunahan sa mga sanggol at mga bata sa lungsod laban sa polio at tigdas.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Magno Reyes head ng Barangay Health Workers at nasa monitoring team ng Chikiting Ligtas Vaccination Activity nabanggit niya na bumalik na ang tiwala ng mga magulang sa bakuna.

Lalo na aniya ngayong panahon ng tag-init na maraming posibleng sakit ang makuha ng mga bata kung mahina ang resestensiya ng mga ito.

Naniniwala sina Reyes na tuloy-tuloy na ang magandang datus na ito.

Kahapon ilang personahe ng DOH-Bikol ang nasa Naga City para imonitor ang vaccination activity na ito sa ilang mga barangay sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *