BNFM Bicol- PUMALO na sa 5,147 ang kabuoang bilang ng mga Bikolanong mayroong chronic kidney disease (CKD) habang nasa 47 lamang ang bilang ng mga hemodialysis facilities sa rehiyon.
Kung kaya’t pinaplano ng Department of Health Center for Health Development (DOH) Bicol sa inilunsad nitong aktibidad kaugnay sa National Kidney Month na pababain ang bilang ng mga pasyenteng may chronic kidney disease sa rehiyon.
Kaakibat ang Philippine Society of Nephrology (PSN) Bicol ang mahahalagang datos patungkol sa CKD treatment and management, at ang promosyon ng healthy lifestyle habits.
Ayon sa panayam kay DOH Bicol Regional Director, Rodolfo Antonio Albornoz, na itinaas mula P2,600 ang PhilHealth dialysis benefit package sa P4,000 na magagamit per session hanggang sa 156 na session kada taon. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from DOH Bicol