Bilang ng mga fully vaccinated sa Angeles City, Pampanga aabot na sa mahigit 45 thousand

Aabot na sa mahigit 45 thousand na indibidwal sa Angeles City ang naturukan na ng Covid-19 vaccine.

Sa datos na inilabas ng City Health Office, 45, 250 na ang fully vaccinated sa lungsod habang 82, 276 ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna.

Karamihan sa mga nabigyan na ng 2nd dose sa lungsod ay ang mga nasa A2 priority list na kinabibilangan ng mga Senior Citizen.

Samantala, aabot na sa 37, 501 na unang dose ng Sinovac ang  dumating sa lungsod habang 23, 283 ang dumating na 2nd dose.

25, 775 naman ang dumating na unang dose ng Astrazeneca at 3, 116 ang 2nd dose.

9, 367 naman ang bilang ng unang dose ng Pfizer na dumating dito at 9, 218 naman ang 2nd dose.

Mayroon na rin 9, 633 single dose na Jenssen vaccine ang dumating sa Angeles City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *