Bilang ng mga gumaling sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes nasa 123 na

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa  123 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes.

Ito ay matapos na makapagtala ng apat na recoveries kahapon sa naturang bayan.

Batay sa case bulletin ng Municipal Health Office nasa 141 na ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Sa bilang na ito, dalawa ang aktibong kaso na nagpapagaling ngayon sa ospital.

Nangunguna ang Barangay San Roque sa may pinakamaraming kaso na sinusundan ng Del Rosario na may 18, Barangay 3 na may 12, Pambuhan na mayrong 10 at Barangay 6 na mayroong 7.

Sa 26 na barangay sa naturang bayan, ang Apuao at Lanot na lang ang walang naitatalang kaso.

Nakapaglaan naman ang LGU ng 43 kama sa kanilang Ligtas COVID Center at anim dito ang nagamit o katumbas ng 14 % occupancy rate.

Edad 31 hanggang 40 anyos ang age group na may pinakamaraming tinamaan ng COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *