Bilang ng mga indibidwal na naturukan na ng COVID-19 vaccine sa Catanduanes, umabot na sa mahigit 90K

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Catanduanes Provincial Health Office na umabot na sa kabuuang 90,882 na mga indibidwal o 19% ng current target population sa islang lalawigan ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, batay sakanilang datus as of Oct. 3, 2021.

Sa naturang bilang 39,056 sa mga ito o 24% ng target population, ang fully vaccinated na kontra sa sakit habang 51,826 o 32% ng target population naman ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Sa labing-isang bayan sa lalawigan, ang bayan ng Virac ang may pinakamaraming bilang ng mga residente na bakunado na kontra sa sakit na umabot sa 29,011 individuals.  

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang vaccination roll out sa lalawigan partikular ang mga kabilang sa A2 hanggang A5 priority groups.

Tila, hindi na rin pahirapan ang pag kumbinse sa mga residente sa isla na tumanggap ng bakuna dahil kung matatandaan ay may naganap na pagdagsa ng mga nais mabakunahan sa isang vaccination site sa bayan ng Virac matapos malamang tumatanggap ng walk ins at Pfizer ang brand ng bakunang itinuturok.

Kaugnay nito, muli namang ipinaalala ng PHO sa publiko na iwasan ang pagdaraos ng mga face to face na pagtitipon at manatiling sundin ang mga umiiral na minimum health standards, lalo na at nakapasok na rin sa Catanduanes ang COVID-19 Delta variant.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *