Bilang ng mga istranded sa Bicol, pumalo na sa mahigit 400 dahil sa bagyong Paeng

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 400 ang kabuuhang bilang ng mga stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil sa bagyong Paeng.

Base sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) Bicol, ang Sorsogon pa rin ang nangunguna sa pinakamaraming naitalang bilang na stranded na aabot sa 461; sinundan ito ng Camarines Sur na may 26; Albay na may 7; habang nananatiling zero o walang naitalang stranded ang Camarines Norte, Masbate at Catanduanes.

Nasa 189 naman ang mga naantalang rolling cargoes, 8 vessels at 34 naman na taking shelter sa mga pantalan.

Inaasahan din ng nasabing tanggapan na ang nasabing bilang ng mga stranded na pasahero ay maaari umanong madagdagan kahit pa nagkaroon na ng maagang abiso sa mga shipping lines at bus terminal sa Metro Manila na babyaheng South Luzon at Visayas Area.

Ayon kay PCG Lt. Commander Emman Avila, paulit-ulit na pinaalalahanan ang mga mangingisda na ipinagbabawal ang paglalayag sa karagatan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang aksidente dahil sa bagyo.

Mahigpit na ipinatutupad ng ahensya ang “no sailing policy” sa lahat ng mga mangingisda at sasakyang pandagat upang mapanatili ang zero-casualty sa nasabing bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *