Bilang ng mga minimum health violators na nahuli sa Koronadal, nasa 100 na!

KORONADAL CITY — NASA 100 na ang bilang ng mga nahuling lumabag sa minimum health standard at curfew kontra coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal Police Lt. Col. Joefel Siason, hepe ng Koronadal City PNP, kabilang sa kanilang mga nahuli ang siyam na mga menor de edad.

Nahuli umano ang mga ito sa mas hinigpitang monitoring ng Koronadal City PNP, LGU task force, mga traffic enforcers kasama na ng mga barangay tanods sa pagpapatupad ng minimum health protocols laban sa tumataas na kaso ng covid-19 sa lungsod.

Bilang first offense, nilinaw ni Siason na binigyan nila ng warning ang mga violators ngunit binalaan ang mga ito na maaari silang pagmultahin ng P500 o makulong sakaling muling mahuli sa mga susunod na paglabag.

Una rito, may 10 violators din na nahuli ang mga miyembro ng Civil Security Unit o CSU mula naman sa palengke ng lungsod.

Matatandaan na simula noong Mayo 1, isinailalim sa mas mahigpit na Modified General Community Quarantine ang buong Koronadal habang dalawang barangay nito ang isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *