Bilang ng mga nababakunahan kontra Measles at Rubella sa Camarines Norte nananatiling mababa sa pagtatapos ng ika- apat na linggo

CAMARINES NORTE- Nanatiling mababa ang accomplishment ng Camarines Norte sa Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA pagkatapos ng ika- apat na linggo.

Batay sa datos ng Department of Health Provincial Office as of May 26, 2023 umaabot pa lang sa kabuuang 45, 637 o 69. 5% ang bilang ng mga batang nabakunahan.

Nasa 65, 241 ang total number of eligible children edad 9- 59 months.

Ang mga batang na- immunized ay nasa 24, 747 edad 9- 11 months at 20, 900 sa 12- 59 months.

Mayroon namang 876 na deferred o hindi muna nabakunahan habang may 60 tumangging pabakunahan ang kanilang anak.

Sa ngayon ay nangunguna ang Jose Panganiban sa may pinakamalaking bahagdan ng eligible children na nabakunahan na nasa 80. 91 % na sinusundan ng Basud na nasa 71. 67 %.

Nakapagtala naman ng 71. 40 % na immunization coverage ang Labo at pasok din sa top five ang Mercedes na may 69. 32 % & at Paracale na may 68. 88

Ang Vinzons naman ay mayroong 68. 47 %, Daet 67. 95 %, San Vicente 67. 93 %, Talisay 67. 42 %, San Lorenzo Ruiz 65. 03 %,  Capalonga 65 % at Sta Elena 64. 44 %.

Sa Oral Polio Vaccine naman ay nasa  19, 439 pa lang o 25. 51 % ang mga batang na- immunize.

Una nang inamin mismo ni DOH Regional Director Dr. Ernie Vera sa naging panayam ng Brigada News FM Daet na malabo nang maabot ng rehiyon ang 90 % na vaccination accomplishment sa pagtatapos ng MR OPV SIA.

Dahil dito nagpahayag ng pagkabahala ang DOH na magkaroon ng outbreak ng mga nabanggit na sakit kung mababa ang accomplishment sa bakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *