Bilang ng mga nabakunahan na barangay frontliners sa Cauayan City, tumaas

Tumaas ang bilang ng mga nabakunahan na barangay frontliners matapos magkaroon ng malalaking bilang ng naitatalang nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni Local Operations Officer II Rambo Tambauan ng DILG Cauayan sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay LGOO II Tambauan, batay sa ibinababang datos ng City Health Office sa kanilang tanggapan ay dumami umano ang bilang ng nagpapabakuna na mga barangay officials, barangay health emergency responders team o BHERTS sa lungsod.

Isa sa nakikitang rason umano rito ay ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa mga nagdaang buwan.

Kasabay nito, marami na rin umano ang bilang ng mga senior citizen at may mga comorbidities ang nabakunahan sa lungsod.

Marami pa umano ang nais magpabakuna kontra COVID-19 na mga barangay frontliners ngunit wala pa umanong sapat na suplay ng bakuna ang lungsod.

Dagdag pa ni LGOO II Tambauan, napakahalagang magpabakuna ang mga barangay frontliners at BHERTs dahil sila umano ang palaging humaharap sa tao at may iba’t-ibang transaksyon sa LGU.

Nagpapatuloy naman hinihimok ng LGU Cauayan, CHO at DILG ang mga Cauayeños na magpabakuna kung sakaling available na at sakop ng priority eligible framework.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *