Bilang ng mga nabigyan ng fuel subsidy sa Bacacay, Albay, pumalo na sa mahigit 500

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng LGU Bacacay ng fuel subsidy na nagkakahalagang PHP3,000 sa mga rehistradong mangingisda na may bangkang de motor.

Ayon kay John Paul Serrano, head ng Municipal Agricultures Office, umabot na sa 576 na mangingisda ang nabigyan nila ng nasabing subsidy.

Aniya, isa ang bayan sa may pinakamaraming rehistradong fisher folks na umaabot sa mahigit 3,000 mangingisda.

Ang programang ito ay alinsunod sa kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga mangingisdang naapektuhan ng pagtaas ng inflation rate sa rehiyon.

Sinabi pa ng opisyal, posible ring madagdagan pa ang bilang ng mga mangingisdang mabibigyan ng subsidy sa budget na ibibigay ng BFAR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *