Bilang ng mga nagfile ng COC para sa BSKE sa Bicol, pumalo na sa mahigit 50k

LEGAZPI CITY – Umaabot na sa mahigit 50,000 ang bilang ng mga nagsipag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa BSKE 2023 sa buong Bicol Region.

Kinumpirma ito ni COMELEC Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Valeza, nakapagtala na sila ng 52,995 sa nasabing rehiyon.

Pinakaramaming naitala sa Camarines Sur na may 17,299; sinundan ng Albay na nasa 11, 735; Masbate, 8,006; Sorsogon, 7,403; Camarines Norte, 4,386 at Catanduanes, 4,166.

Sa datos pa nito, aabot sa 4,007 ang mga aspirant punong barangay, kung saan pinakaramami dito ay mga lalaki na nasa 2,937, habang ang mga babae ay nasa 1,070.

Nasa 28,422 naman ang mga barangay kagawad at pinakamarami ang mga lalaki na 18,030 habang ang mga babae naman ay 10,382.

Para naman sa SK Chairmperson, 3,279 na ang naitala sa Bicol, kung saan 1,999 ang mga lalaki at 1,289 ang mga babae.

Nasa 17,287 naman ang para sa SK members at pinakaramami ang mga lalaki na nasa 9,289 habang ang mga babae nasa 7,998.

Inaasahan ni Valeza na mahihigitan nito ang bilang na mahigit 100,000 na naitala sa mga nagdaang eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *