Bilang ng mga nagpa-register na SIM users – mahigit tatlong milyong subscribers na

Tinatayang 3.3 million SIMs na ang nai-register sa ikalawang araw ng SIM card registration.

Kahapon, nakapagtala ang Globe Telecom ng 1,769,374 registrants, 1,019,207 registrants naman mula sa Smart Communications Inc., habang 530,424 na ang bilang ng mga nakapagparehistro mula sa DITO Telecommunity.

Ayon sa DITO Telecommunity, ang pinakaliit sa tatlong telco companies ‘successful’ ang pagsasagawa ng SIM card registration ng kanilang kumpanya.

Matatandaan na nagkaroon ng mga reklamo dahil sa inaccessible o offline websites mula sa prepaid mobile subscribers noong unang araw ng registration.

Pahayag naman ni Globe Corporate Communications Officer Yoly Crisantona muli nang nag-o-operate ang kanilang platform at nakakapag-log in na rin ang kanilang subscribers.

Mababatid na ang Globe Telecom ay nagkaroon ng aberya sa registration noong December 27, unang araw ng SIM card registration. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *