Bilang ng mga nagpapabakuna sa Naga City mababa pa rin sa kabila ng mataas na bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19

NAGA CITY – Tila limot na at ayaw ng magpabakuna ng publiko laban sa COVID-19 sa kabila ng naitatalang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit sa Naga City

Sa loob ng isang araw hindi na nakukuha ang target na 50 hanggang 100 indibidwal ang mabakunahan sa isang mall sa lungsod na venue sa bakunahan araw- araw.

Mas bumaba pa ang bilang, batay sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Reynor Rodriguez, Vaccination Coordinator.

Ayon sa kanya, hindi naman tumitigil ang City Government sa pagkampanya na magpabakuna, ngunit ganito pa rin ang resulta.

Nabanggit pa niya na mahigit 40 indibidwal ang nagpositibo sa sakit noong Abril, batay na rin sa naging ulat sa kanila ni Dr. Ronnie Amoranto, bagong City Health Officer.

Kabilang sa mga may sakit ngayon ay ang ilang mga empleyado ng City Health Office na noon pang isang lingo ay nagpapatupad na window transaction at hanggang ngayon.

Bagamat ganito ang sitwasyon sa vaccination, tiniyak ni Rodriguez na wala namang nasasayang na bakuna, dahil sa ang ibinibigay ng DOH Regional Office ay depende sa request nilang bilang na mababa lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *