Bilang ng mga nagpapakatay sa Naga City Abattoir nananatiling nasa 20% lamang mula nang magkaroon ng ASF

NAGA CITY – Hindi pa bumabalik ang sigla sa Naga City Abattoir kung ang pag-uusapan ay ang bilang ng mga kinakatay na baboy araw-araw, ayon kay Dr. Junius Ilad.Jr. ang City Veterinary Officer ng lungsod.

Ito’y batay na rin sa talaang hawak nila ngayon na kung saan umaabot lamang sa mahigit 100 ang nakakatay sa abattoir na katumbas naman ng 20 porsiyento bago pa nagkaroon ng African Swine Fever ang mga baboy na nasundan nitong krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Doc. Ilad sinabi nito na,nakakalungkot pa rin ang ganitong sitwasyon subalit kahit papano nagpapasalamat sila dahil may baboy na kinakatay sa Triple A abattoir. Anya’y nangangahulugan ito na may mabibiling karneng baboy sa Naga City Peoples Mall at maging sa ilang mga satellite market sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *