Bilang ng mga nagpaparehistro sa nagpapatuloy na voters’s registration mababa pa rin

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nagpaparehistro sa ilang opisina ng Commission on Elections sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay ng nagpapatuloy na voter’s registration.

Sa kabila ito ng apela ng komisyon na huwag nang hintayin ang deadline para magparehistro upang maiwasan ang dagsaan ng mga tao.

Sa bayan ng Basud mahigit 20 pa lang ang nagpaparehistro mula nang simulant ang voters’ registration noong December 12.

Nauna na ring sinabi ng Comelec sa naturang bayan na handa rin itong magsagawa ng satellite voters’ registration sa mga barangay kahit kulang sa 200 magpaparehistro.

Batay daw kasi sa panuntunan hindi dapat bababa sa 200 ang magpaparehistro kung magsasagawa ng satellite registration sa mga barangay.

Pero kahit 50 lang umano ay pwede na rin ayon pa sa Comelec.

Sa bayan naman ng Mercedes ay nasa 50 pa lang hanggang tanghali nitong Huwebes, December 22 ang nakapapagparehistro.

Kaugnay nito ay umaapela ang Comelec sa publiko na magparehistro na at huwag nang hintayin ang deadline para maawasan din ang mahabang pila.

Paniwala naman ng Coemelec na maaarng abala pa ang publiko sa iba’t- ibang pagtitipon ngayong kapaskuhan.

Ang mga tatanggaping application sa panahon ng voters registration ay Registration, transfer, change/corrections of entries, reactivation, inclusion at reinstatement of name in the list of voters, and transfer of registration records from post to local.

Gayundin ang updating of records of Persons with Disabilities, Senior Citizens and members of Indigenous Peoples and other members of vulnerable sectors.

Tatagal ang voter’s  registration hanggang Enero 31, 2023.

Bukas ang tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado, alas alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon gayundin kapag araw ng holiday maliban sa December 24 at 31.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *