Bilang ng mga nagparehistro para sa PHILSYS ID sa Albay, pumalo na sa mahigit 900,000

LEGAZPI CITY – Umabot na sa mahigit siyamnaraang libong mga kliyente ang nakapagrehistro na para sa PhilSys ID sa lalawigan ng Albay o katumbas ng humigit-kumulang 74% mula sa target na 1.2 milyong Albayano.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Cecil G. Brodial ng Philippines Statistics Authority (PSA) Albay, marami-rami na rin ang nagpaparehistro sa lalawigan dahil sa information education campaign na isinagawa kung saan ipinapaliwanag sa barangay ang kahalagahan nito.

Dagdag pa nito, ang ‘Philippine Identification System Act,’ ay ang nag-iisang national identification system para sa mga mamamayan at dayuhan na residente ng bansa.

Sinabi ng opisyal, nakasaad sa Section 19 ng RA 11055 na ang sinumang tumangging tanggapin ang PhilSys ID o PSN na napapailalim sa authentication bilang opisyal na pagkakakilanlan nang walang makatarungan at sapat na dahilan, ay pagmumultahin ng P500,000.00.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *