Bilang ng mga nagparehistro para sa vaccination program sa Agoncillo, Batangas nasa mahigit 14,000 na

Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo, Batangas ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga residente doon na nagnanais na magpabakuna kontra COVID-19.  

Ayon kay Nurse Amalia De Villa ng Agoncillo Health Office, nasa mahigit 14,000 na ang bilang ng mga nagparehistro upang makatanggap ng covid-19 vaccine.

Sinabi ni De Villa, mas dumami pa ang nais na mabakunahan sa bayan dahil sa maigting na kampanya ng lokal na pamahalaan at ng mga barangay tungkol sa kahalagahan ng bakuna.

Nakatulong rin aniya ang pagpapabakuna ng mga frontliners at mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng kumpyansa ang mga residente sa kaligtasan at epekto ng bakuna.

Tiniyak naman ng Agoncillo Health Office na handa itong makapagbakuna ng nasa 600 na residente kada araw sa sandaling magkaroon na ng sapat na suplay ng bakuna ang bayan.

Samantala, umabot na sa 1,432 ang kabuuang bilang ng mga nakatanggap ng 1st dose ng COVID-19 vaccine sa naturang bayan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *