Bilang ng mga nagpopositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud nadagdagan pa at umabot na rin sa malayong barangay

CAMARINES NORTE- Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte matapos na makapagtala ng pitong bagong kaso nitong weekend.

At kung dati ay sa mga malalapit  na barangay lang halos nagkakaroon ng mga kaso, ngayon ay umaabot na rin ito sa mga rural barangays.

Tatlo sa pitong bagong kaso sa naturang bayan ay mula sa Barangay Mandazo na pawang close contacts ng naunang nagpositibo sa sakit.

Si Bicol No 17048 ay isang 9 na taong gulang na batang lalake at si Bicol No 17053 naman ay isang 15 taong gulang na lalake, habang si Bicol No 1705 ay isang 14 anyos na lalake.

Ang tatlo ay lahat walang sintomas na kasalukuyang naka- isolate sa District II Temporary Treatment and Monitoring facility sa Vinzons.

Ang apat pang bagong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan ay si Bicol No 17066, 23 anyos na babae na mula sa Barangay Langga at isang negosyante.  Siya ay close contact ng isang nagpositibo sa sakit.

Ang pasyente ay wala ring sintomas na kasalukuyang naka- isolate.

Si Bicol No 17022 naman ay isang 33 anyos na lalake, Core technician na mula sa Barangay Bactas. Una itong nakaramdam ng sintomas noon pang May 30, 2021 at hindi alam kung paano nahawa lalo’t wala rin itong travel history.

Wala ring travel history at “unknown” ang history of exposure ni Bicol No 17023 na isang 66 anyos na lalake, Security Guard na taga Barangay Poblacion 1.

Ganundin si Bicol No 17026 na isang 81 anyos na babae mula rin sa parehong Barangay.

Si Bicol No 17023 at 17026 ay kapwa unang nakaranas ng sintomas noon pang May 31.

Sina 17022, 17023 at 17026 ay nakarekober na sakit at nakauwi na sa kani- kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *