Bilang ng mga naitalang sunog dulot ng mga paputok, tumaas ngayong taon ayon sa BFP

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na mas mataas ang naitalang insidente ng sunog sanhi ng firecrackers ngayong taon kumpara sa mga naitala noong 2021.

Sinabi ni BFP Spokesperson Fire Supt. Annalee Carbajal-Atienza na umabot na sa 19 ang naitalang fire incident kumpara sa pito lamang noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sa kabila nito, nilinaw ni Atienza na bagamat mas mataas ang naitalang sunog ngayong holiday season kumpara noong nakaraang taon, mas mataas naman ang kabuuang insidente mula Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon na umabot sa 13,574.

Kinumpirma din ni Atienza na 191 na mga bayan pa ang nangangailangan ng firetruck.

Samantala, hinimok ng opisyal ang publiko na manood na lamang ng fireworks display na inorganiza ng kanilang lokal na pamahalaan kaysa gumamit ng sariling paputok para maiwasan na din ang mga insidente ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *