Bilang ng mga naitalang tinamaan ng COVID-19 sa Naga City nabawasan na

NAGA CITY – Balik na sa kanilang trabaho ang ilang medical personnel at empleyado ng City Health Office na nagkasakit dahil sa COVID-19.

Gumaling na ang mga ito matapos ang ilang araw na pamamahinga, dahil sa mild symptoms lamang ang kanilang naranasan.

Sa muling pagpasok nila inalis na rin ang dating window transaction na ipinatupad sa loob ng isang linggo.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Magno Reyes, Head ng Barangay Health Workers sa Naga City Health Office kasabay na rin sa pahayag niyang wala ng dapat na ipag-alala ang publiko, magaling na at wala ng sakit ang kanilang mga kasamahan.

Ipinaliwanag niya na hindi na nagquarantine ang mga nagkasakit dahil nga sa hindi naman malala ang naging kalagayan nila, lahat sila ay fully vaccinated.

Bukas na aniya sila, at muli na naman nilang tinatanggap ang kanilang mga kliyente at pasyente ng face to face, magsuot lamang ng facemask at mag-alcohol palagi, para siguradong ligtas sa anumang sakit.

Patuloy na hinihikayat ng City Government ang publiko na magpabakuna. Ang vaccination ay ginagawa sa SM City Naga, araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *