Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Camarines Norte nadagdagan sa tala ng DOH- Bicol kahapon

CAMARINES NORTE – Muling nadagdagan ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa pinakahuling tala ng DOH Bicol kahapon

Sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol,  306 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit o may 69.23% recovery rate

Habang nitong weekend ay walang naitalang panibagong kaso ng sakit sa lalawigan kung kaya’t nananatili sa 109 ang aktibong kaso gayundin ang naitatalang pagkasawi na mayroong 27 mula sa kabuuang bilang na 442

Patuloy namang hinihingi ng DOH at Camarines norte IMT  ang kooperasyon ng lahat sa patuloy na pagsunod sa minimum health standard protocols para maiwasan ang pagtaas ng COVID-19 cases

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *