Local News

Bilang ng mga namatay  sa COVID- 19 ngayong taon mas mababa kumpara noong 2021

CAMARINES NORTE- Mas mababa ang mga namatay sa COVID- 19 ngayong taon kumpara noong 2021.

Sa datos ng Provincial Health Office nasa 44 ang bilang ng mga nasawi ngayong taon kumpara sa 218 noong 2021 na pinakamalaki rin sa loob ng tatlong taon ng pandemya.

Pinakamarami ang nasawi sa Daet na may 69, 47 sa Labo 24 sa Talisay habang 22 naman sa mga bayan ng Basud, Jose Panganiban at Mercedes.

Nakapagtala naman ng 19 na pagkasawi sa Paracale, 18 sa Vinzons, 10 sa Sta Elena at 6 sa mga bayan ng Capalonga, San Lorenzo Ruiz at San Vicente.

Sa kabuuan umaabot na sa 271 ang nasawi dahil sa sakit simula noong 2020.

Ang kabuuang bilang ng mga naitalang nasawi ay katumbas ng 5. 87 percent ng mahigit 4, 600 na kaso mula noong 2020.

Kaya naman mas pinaiigting ngayon ng gobyerno ang kampanya sa pagbabakuna lalo na sa A2 priority group o senior citizen at booster dose.

Sa ngayon nasa 82. 5 percent na ang vaccination coverage sa lalawigan at 75 . 8 percent ng mga senior citizen ay nabakunahan.

Pero nananatiling mababa ang booster shot na nasa halos 12 percent pa lang habang mahigit isang porsiento pa lang ang nababakunahan ng ikalawang booster.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago