Bilang ng mga namatay sa COVID- 19 sa Camarines Norte mula noong 2020 pumalo na sa mahigit 300

CAMARINES NORTE – Pumalo na sa kabuuang bilang na 302 o 6. 05 % ang bilang ng mga nasawi sa COVID- 19 sa Camarines Norte mula noong 2020 kung kailan nagsimula ang pandemya.

Sa datos ng Provincial Health Office, pinakamarami ang nasawi  noong 2021 na umabot sa 218. Noong 2020 ay 9 ang nasawi, 24  noong 2023 at simula Enero hanggang Hunyo naman nitong taon ay dalawa.

Pinakamarami ang nasawi sa COVID- 19 sa bayan ng Daet na sumampa na sa 74 at Labo na nasa 51. Halos lahat ding bayan ay nakapagtala ng double digit ng bilang ng mga nasawi maliban sa San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Capalonga.

Umaabot naman sa 4, 988 ang mga naitalang kaso ng sakit at sa kasalukuyan ay mayroon pang aktibong kaso na 3.

Ngayong taon ay noong Enero lang nakapagtala ng double digit na COVID- 19 cases na may 18 habang zero case namanĀ  noong Marso, Abril at wala pang naitatala ngayong Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *