Bilang ng mga namatay sa pagbayo ng Bagyong Paeng, nadagdagan pa

Umakhat na sa 155 ang bilang ng mga nasawi sa pagbagyo ng Bagyong Paeng.

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council o NDRRMC, nadagdagan pa ng isa ang kabuoang bilang ng fatalities dahil sa bagyo.

121 sa naturang bilang ay kumpirmado na; habang 34 ang under validation.

Samantala, 129 naman ang bilang ng mga nasugatan; habang 34 pa ang bilang ng mga nawawala.

Sa kabuoan, aabot sa 1,016,438 ang bilang ng mga displaced individuals.

Pinsala sa Cagayan

Pumalo na sa P39.25 million ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng nagdaang Bagyong Paeng sa probinsya ng Cagayan.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), malaki ang naitala nilang pinsala sa agrikultura na umabot sa P38.98 million.

Sa nasabing bilang, P14.15 million ang naitalang nasira sa mga maisan kung saan 720 na mga magsasaka ang apektado.

P12.56 million naman ang halaga ng pinsala sa mga palayan kung saan aabot sa 350 na mga magsasaka ang naapektuhan.

Bukod dito, umabot naman sa P2.63 million ang naitalang pinsala sa sektor ng pangingisda sa probinsya habang P9.63 million sa mga gulay at high value crops.

Pagdating sa livestock, naitala sa P263,120 ang pinsala kung saan apektado ang mga bayan ng Lal-lo, Amulung at siyudad ng Tuguegarao.

Ayon sa PDRRMO, inaasahang mas tataas pa ang maitatala nilang agriculture at infrastructure damage lalo pa’t nagpapatuloy ang kanilang assessment at validation sa mga field reports.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *