Hindi bababa sa 116 ang bilang ng mga nasawi sa India matapos magkaroon ng stampede sa isang religious gathering.
Ayon kay Prashant Kumar, ang director-general ng mga pulis sa Uttar Pradesh, na lugar kung saan naganap ang insidente – karamihan sa mga nasawi ay kababaihan at mga bata.
Samantala, higit 80 naman ang nasugatan at na-admit sa ospital.
Hindi pa malinaw ang dahilan ng panic at pagkakagulo ng mga tao sa event, pero batay sa ilang ulat – heat at suffocation sa loob ng tent ang posibleng factor nito.