Bilang ng mga nanganganak sa health facilities sa region 12, tumaas

KORONADAL CITY – MAS maraming ng mga sanggol sa Soccsksargen region ang ipinapanganak sa mga health facilities sa tulong ng mga skilled health professionals.

Ito ay batay sa findings ng 2022 National Demographic and Health Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Inihayag ni Engr. Belinda Penuela, chief statistical specialist ng PSA 12 na sa loob ng tatlong dekada, umakyat sa 82% ang numero ng mga nanganak sa mga health facilities sa rehiyon 12 kumpara sa 14% noong 1993.

Bumaba din sa 16% ang numero ng mga nanganak sa kanilang bahay noong 2022 mula sa 86%.

Ayon sa opisyal na ang panganganak sa mga ospital sa tulong nga mga skilled health professionals ay nagpapababa sa risgo ng ina at kanyang sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *