Bilang ng mga nasawi sa buong mundo, umabot na sa 6.17 million

Umabot sa 6,174,487 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa buong mundo ayon sa pinakahuling tala kaugnay sa Covid-19 pandemic.

Naitala ang Estados Unidos na may pinakamaraming bilang ng nasawi na umabot sa 1,008,159. Sinundan naman ito ng Brazil na may 660,192 ang bilang ng mga namatay.

Lumabas naman ang France at Iran na may pinakamababang bilang ng mga nasawi na umabot lamang sa 142,475 sa France at 140,277 naman sa Iran.

Samantala, ayon sa huling datos nasa 425,667,714 na ang bilang ng mga total recoveries at 491,090,901 naman ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong mundo. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *