CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 17 ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa Camarines Norte
Base sa tala ng DOH Bicol ngayong araw, may naitalang dalawang panibagong kaso ng pagkasawi dahil sa naturang sakit
Habang 2 naman ang nadagdag sa mga nakarekober dahilan upang umakyat na sa 200 ang total recoveries
Wala namang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 at bumaba na sa bilang na 105 ang aktibong kaso mula sa naitatalang 322 total cases
Dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan, masidhi sa ngayon ang panawagan ng CN-IMT sa lahat ng mga mamamayan na sumunod sa standard health protocols na nakapaloob sa Executiver order 19 s 2021 na ipinalabas kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan
Pakiusap rin ng IMT na iwasan muna ang lumabas ng kanilang mga tahanan lalo na kung hindi naman kinakailangan upang mabawasan na pakikisalamuha sa ibang tao

