Bilang ng mga nasawi sa Indonesia dahil sa COVID-19, pumalo na sa mahigit 100,000

Pumalo na sa mahigit 100,000 ang bilang ng mga nasawi sa Indonesia dahil sa COVID-19.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng Indonesia sa banta ng mas delikadong Delta variant.

Sa ngayon ay na-detect na ng Indonesia ang pagkalat ng Delta variant sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon nito mula nang unang beses ito makarating sa naturang bansa noong June.

Base sa ilang ulat ay maraming Indonesians ang namamatay sa kanilang mga bahay dahil sa kawalan ng access sa mga ospital o oxygen supplies, habang patuloy na nasasagad ang kapasidad ng health care facilities ng Indonesia.

Makikita naman sa datos ng pinakamalaking Southeast Asian economy na umabot na sa mahigit 3.5-million ang mga naitala nitong infections.

Kabilang na sa nasabing bilang ang 1,747 na bagong nasawi noong Miyerkules, na dahilan para umakyat ang kabuoang bilang nito sa 100,636.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *