Bilang ng mga nasawi sa kaguluhan sa Israel, lumobo pa sa mahigit 1,100

Lumagpas na sa 1,100 at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na Hamas attacks at paghihiganti ng Israeli forces.

Nagsagawa ng air strikes ang Israeli sa mga tahanan ng Hamas officials sa Gaza kung saan ay nasawi ang mahigit sa 400 indibidwal, kabilang na ang nasa 20 mga kabataan.

Bago ito, una nang napatay ang mahigit-kumulang sa 700 mga Israelis mula sa large-scale attacks ng Hamas.

Samantala, nakialam na rin ang Estados Unidos at nagpatala na ng karagdagang suporta para sa Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *