Bilang ng mga nasawi sa pagbaha at landslide sa Cotabato at Maguindanao, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Kagabi kinumpirma ng BARMM Emergency Operations Center na umakyat na sa 67 ang bilang ng mga nasawi dulot ng mga pagbaha at landslides.

Sa ulat, nagmula ang mga ito sa isang lungsod at 14 na mga bayan sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, at Lanao del Sur.

Ang Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat ang may pinakamaraming naitalang casualties na humigit-kumulang 50 mga indibidwal.

Nagmula naman sa mga bayan ng Datu Blah Sinsuat at Upi ang 17 iba pang mga nasawi.

Samanatala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Maguindanao Provincial Adminstrator Cyrus Torreña na pinangangambahang umakyat pa sa halos 100 ang bilang ng nga namamatay sa kanilang lalawigan.

Sa ngayon daw kasi ay marami pa rin ang mga missing na mga pinaniniwalaang nalunod at natangay ng baha, ‘o ‘di kaya nama’y natabunan ng mga landslide.

Sa kasalukuyan, tuloy ang apela nila sa National Government ng tulong, partikular na ang pagkain at malinis na inuming tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *