Nadagdagan ng isa ang mga biktima ng mga nasawi sa madugong pagsalakay ng mga armadong suspek sa bahay ng yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa impormasyon mula sa kampo ni Degamo, binawian ng buhay si Fredilino Cafe Jr., na kilala rin bilang “Putok,” upang umabot na sa sampu ang mga namatay sa tinaguriang Pamplona massacre.
Si Cafe ay empleyado ng Negros Oriental Provincial engineering office na madalas kasa-kasama ng gobernador.
Matapos ang nangyari sa madugong insidente sa compound ng gobernador, labas-pasok na ng ospital si Cafe dahil sa epekto ng mga tama ng baril sa biktima.//CA