Bilang ng mga naturukan na ng booster shots sa Angeles city, Pampanga aabot na sa mahigit 111 thousand

Aabot na sa 111,795 ang kabuuang bilang ng mga naturukan na ng booster shot sa Angeles City, base sa latest data na inilabas ng City Information Office.

Sa datos, halos nasa 100 thousand o 96, 938 ang bilang ng mga nabigyan na ng unang shot habang 14, 857 naman ang tumanggap na ng 2nd shot ng booster.

Samantala, nasa 791,396 ang kabuuang bilang ng mga naturukan na ng Covid-19 vaccine.

Sa nasabing bilang, nasa 384, 577 ang mga fully vaccinated na habang 406, 819 naman ang bilang ng mga partially vaccinated o tumanggap pa lang ng unang dose ng Covdi-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *