Bilang ng mga opisyal na hindi pa napapasa, 11 na lamang

Patuloy umano ang paghimok ng Philippine National Police (PNP) sa tatlong heneral at walong full colonels na hindi pa rin nagsusumite ng kanilang courtesy resignations.

Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr., patuloy ang kanilang pag-reach out sa mga opisyal na hanggang ngayon ay hindi pa tumutugon sa naging panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Aniya, pito ang magreretiro na sa serbisyo, kaya sa palagay niya ay pinag-iisipan pa ng mga ito kung magsusumite pa sila kahit na aabutan naman ang mga ito ng retirement.

Sa kabila nito, hinimok niya pa rin ang mga natitirang high ranking officials na magpasa ng ng courtesy resignation para maisailalim sila sa assessment at malinis ang kanilang pangalan mula sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

As of January 20 – 942 na mula sa 953 mga heneral at full colonels ang nakapagsumite na ng naturang resignation.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *