Bilang ng mga paaralang winasak ng lindol, umabot sa 61

Umabot na sa 61 ang kabuoang bilang ng mga paaralan na nawasak dahil sa malakas na pagyanig kahapon sa Abra.

Sa press briefing ngayong umaga, sinabi ni Civil Defense Deputy Administrator for Operations, Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro sa ulat ng education cluster, 61 ang damaged schools habang 116 ang mga damaged classroms.

Bago ito, una nang sinabi sa isang panayam ni Department of Education spokesperson Atty Michael Poa na nasa 76 classrooms ang totally-damaged habang 77 naman ang partially-damaged.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa umano ang assessment ng local education offices at iba pang ahensya para sa
sitwasyon ng mga silid-aralan.

Ang mga totally-damaged classrooms umano ay hindi na maaaring pagamitin pa para sa mga papasok ngayong school year.

Dahil dito, inaaral na umano ng DepEd ang pagpapatayo ng mga temporary learning spaces para matuloy pa rin ang mga klase.

Sa huli, sinabi ni Poa na tuloy pa rin ang klase sa Agosto, at magpapatuloy pa rin ang enrollment.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *