Bilang ng mga pinatay na baboy sa Sta Magdalena dahil sa ASF, umabot na sa mahigit 600

Umabot na sa 696 baboy ang pinatay mula ng magkaroon ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Sta Magdalena, Sorsogon, ayon ito sa impormasyon na nakuha ng Brigada News FM.

Sa nasabing bilang, ang iba dito ay direktang infected o nahawaan ng sakit, subalit ang mas malaking bahagi ay pinatay sa pamamagitan ng electric stunning dahil sakop ito ng 1km mula sa lugar na nagkaroon ng ASF na bahagi ng protocol ng Dept of Agriculture.

Mula noong Setyembre 29, kung saan nagsimula ang ASF infection, hanggang Oktubre 3 ay 11 barangay na ang apektado.

Tatlong barangay na lang, mula sa 14 na barangay ng nasabing bayan ang hindi naapektuhan, ito ay ang Brgys San Bartolome, San Eugenio at Esperanza.

Nagpapatuloy pa rin ang araw-araw na pagsasagawa ng disinfection ng Municipal Agriculture Office at pagpapatupad ng mahigpit na checkpoint ng Sta Magdalena Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *