Bilang ng mga pulis na maililipat ng pwesto dahil may kaanak na tatakbo sa BSKE, aabot ng mahigit 300

Mahigit 300 mga pulis ang maililipat sa kanilang pwesto bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Oktibre.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo matapos lumabas sa kanilang ginawang survey na may 327 na mga pulis ang may kaanak na tatakbo sa eleksyon.

Sakop ng unit reassignment ang 4th degree consanguinity o hanggang pinsang buo ng mga pulis.

Layunin aniya nito na maiwasang maimpluwensiyan ang resulta ng eleksyon lalo pa’t nauna ng sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na walang pulis ang dapat masangkot sa partisan politics.

Maaari pa umanong mabago ang bilang depende sa kalalabasan ng filing of certiciate of candidacy na magsisimula sa August 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *