Bilang ng mga residente na apektado pa rin ng tubig baha, nasa mahigit 270 thousand pa

Aabot pa sa 276, 776 na mga residente sa lalawigan ng Pampanga ang apektado pa rin ng tubig baha.

Sa report na inilabas ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, 120 baranggay pa ang binabaha sa lalawigan dahil sa walang tigil na pag-ulan na sinabayan pa ng high-tide.

Sa kasalukuyan mayroon pang 24 na barangay na baha sa bayan ng Masantol, 22 sa Macabebe at 24 sa bayan ng Lubao.

Anim na barangay naman ang nakakaranas ng tubig baha sa bayan ng Apalit, 14 sa Guagua at Minalin, 3 sa Bacolor, 7 sa Sto Tomas, at isa sa Candaba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *