Bilang ng mga silid problema pa rin sa malayong paaralan sa Pasacao, Camarines Sur

CAMARINES SUR-Mga silid na gawa sa kawayan, nipa at anahaw, mayroon ding halos gawa na sa yero kaya mainit sa loob kapag mainit ang panahon. Hindi sementado, kaya problema rin kung umuulan.

Ito ang sitwasyon sa Antipolo Heights Integrated School sa Pasacao, Camarines Sur.  Problema ang kakulangang ng classrooms.

Ayon kay School Principal Maribel Alano, buo ang suporta ng mga magulang at stake holders sa mga kailangan bigyang pansin ngayong Brigada Eskwela tulad ng kalinisan sa paligid. Tulong-tulong para sa kapakanan ng mga bata.  Ang access road naman tinututukan ng LGU , tuloy-tuloy ang konstruksyon para sa mga residente ng Barangay , upang maging magaan naman para sa mga mountain teachers at maging madali ang pag biyahe ng mga kinakailangan sa mga paaralan.

Sinabi pa ng Principal na kasama na ito sa 3 years plan ng Department of Education, pahirapan lamang sa titulo ng lupa dahil timberland.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *