Bilang ng mga Sorsoganon na nabakunahan kontra Covid-19, umabot na ng higit 55 libo

SORSOGON CITY – Umabot na sa higit 55 libo ang bilang ng mga Sorsoganon na nabakunahan kontra Covid-19.

Sa datos na ibinahagi ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO), nasa 59, 866 ang kabuuang bilang ng nabakunahan, kabilang na dito ang aabot sa 41, 212 na partially vaccinated habang 18, 654 naman ang fully vaccinated na.

Sa nasabing bilang o 23, 807 ay nasa category A1 kung saan ang 13, 710 dito ay partially vaccinated habang ang 10, 097 ay fully vaccinated na.

Sa category A2 naman may kabuuang 23, 554 na ang nabakunahan kabilang ang 18, 350 na partially vaccinated at 5, 204 na fully vaccinated.

Sa kabuuang 12, 505 na nabakunahan sa category A3 naman ay umabot na sa 9, 152 ang partially vaccinated habang 3, 353 ang fully vaccinated.

Ang Category A1 ay kinabibilangan ng active medical at health care workers, ang mga senior citizen naman ay nasa Category A2 habang ang 18-59 years old at may mga comorbidity katulad ng Diabetes, Hypertension, TB at iba pa ay kabilang naman sa Category A3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *