Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa Camarines Norte pumalo na sa 4, 642

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa kabuuang 4, 642 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Batay sa datos ng Provincial Health Office as of February 14, 2023 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mayroon ngayong isang aktibong kaso sa lalawigan makaraan ang isang buwang walang naitalang kaso.

Ang Daet pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso na mag 15, 502 na sinusundan ng Labo na may 692.

Sinusundan naman ito ng Jose Pangaiban na may 406, Basud na may 372, Vinzons 363, Talisay 341, Paracale 241, Mercedes 209, Sta Elena 199, San Lorenzo Ruiz 121, San Vicente 113 at Capalonga na may 83.

Nasa 276 o 5. 95 percent naman ang naitalang nasawi kung saan pinakamarami pa rin sa Daet na may 69.

Sinusundan ito ng Labo na may 49, Talisay 24, Jose Panganiban 23, Basud at Mercedes 22, Paracale 20, Vinzons 18, Sta Elena 10, Capalonga 7 habang may tig 6 naman sa San Lorenzo at San Vicente.

Pinakamarami ang nasawi noong 2021 na mayroong 218 habang 49 naman nnoong 2022 at 9 noong 2020.

Umaabot naman sa 4, 365 ang bilang ng mga nakarekober o 94. 03 percent.

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 kung saan halos wala nang naitatalang kaso patuloy pa rin ang paalala ng PHO sa publiko na mag ingat dahil na hindi pa tapos ang pandemya.

Sa ngayon ay sa mga health facilities, public transport at ang may comorbidities ang inoobligang magsuot ng face mask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *